this is a copy of my blog post at http://blographics.wordpress.com
+++++++++++++++++++++++++++++++++++
TITLE : LUKSONG BAKA mEDIUM: DIGITAL GRAPHICS +++++++++++++++++++++++++++++++++++
hindi mo ba napagtanto
noong ikaw ay lumukso
hawak hawak ang sidsid ng palda,
tatalon, mananalo sa luksong baka
ilang taon na ba ang lumipas?
larong ito ay umaagnas
di mo ba na isip man lang
na ang aral nito ay pupuno ng patlang
na sa bawat balakid, di kailangang umiwas
urong lang ng konti, talon at pumagaspas
Ang LUKSONG BAKA ay isa sa pinaka-popular na larong pinoy o laro ng lahi. Kinabibilangan ito ng isang taya at ng dalawa (2) o higit pang manlalaro. Ang taya ang siyang magsisilbing “baka” na kailangang lagpasan ng mga manlalaro. Habang tumatagal ang laro, tumutuwid ng tindig ang taya. Kailangan din itong hindi masagi ng mga manlalaro o ang alin mang parte ng katawan nito. Ang hindi makatalon o ang makasagi sa “baka” maliban sa kamay ang matataya. At babalik ulit sa simula ang laro. Isinasagawa ang larong ito sa isang malawak na lugar na walang magiging sagabal.
Ang larong ito ay hindi lang tumutulong sa mga kabataan na patibayin ang kanilang mga katawan o magsilbing isang maganda at masayang alaala ng pagkabata. Nagpapakita rin ito ng isang halimbawa sa buhay ng isang tao na kahit gaano kataas ang problema o pagsubok na tatalunan natin, malalagpasan pa rin natin ito. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa bagkus ay magkaroon ng matinding hangarin na makalagpas at makatalon ng mataas upang hindi maging “taya” sa tunay na mundo.
Maraming salamat sa dalawang kaibigan na nagbigay ng buhay sa aking gawang sining na ito. kay tinay sa paglikha ng isang makabuluhang tula. maaari ninyong makita ang iba pa niyang mga akda sa http://modernpatadyong.i.ph at kay ellieshe sa kanyang magandang insight tungkol sa larong ito. makikita nyo ang kanyang mga kwento sa http://ellieshe.wordpress.com/